Gilas undefeated sa WC qualifiers matapos talunin ang Chinese Taipei

Sharing is caring!

Matagumpay na naidepensa ng Pilipinas ang homecourt laban sa Chinese Taipei, 90-83, para sa ikalawang sunod na panalo sa 2019 FIBA Basketball World Cup sa Smart Araneta Coliseum kanina.

Mabagal ang simula ng Gilas kung saan lamang ang Chinese Taipei, 19-5 sa first quater subalit agad na bumawi ng 10 sunod na puntos para dumikit sa kalaban.

Mula sa bench, nagsanib puwersa naman sina June Mar Fajardo at Kiefer Ravena sa second quarter para gawin ang kalamangan sa 44-42.

Lumamang ang Gilas, 84-76 sa fourth quarter mula sa atake ni Jayson Castro, apat na minuto na lang natitira sa laro.

Umabot pa ito sa sampu 86-76 sa dalawang free throw ni Ravena mula sa huling foul ni Quincy Davis, ang naturalized player ng Chinese Taipei.

Namuno si Castro, ang hero ng unang laro kontra Japan, sa kanyang 20 puntos.

Babalik sa laban ang Gilas na nasa Group sa laban sa powerhouse Australia na siyang tumalo din sa Chinese Taipe at Japan sa Pebrero 22 ng susunod na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?