169

By

Gilas posibleng talunin ng ‘disiplina’ ni Toroman

High octane ang Gilas Pilipinas sa SEA Games men’s basketball.

Unang tinambakan ang Singapore 110-58, bago isinunod ang dating walang talo sa dalawang larong Vietnam 110-69 nitong Biyernes sa MOA Arena.

No-bearing na ang laro kontra Myanmar Sabado ng gabi dahil nakasiguro na ang Pilipinas ng puwesto sa semifinals.

Sa kabila ng dominanteng performance ng team, ayaw ni coach Tim Cone na mawala ang “good habits” ng kanyang players.

Lalo na sa tulad ng Myanmar squad na ‘di naman kilala sa basketball.

“We don’t wanna lose our habits playing against Myanmar and creating bad habits against Rajko Toroman,” giit ng coach. “Because these teams are always super disciplined and they can beat you at their discipline.”

Pinatutungkulan ni Cone ang Indonesian team na hawak ni Toroman, naging one-time coach din ng Gilas.

Sa semifinals posibleng magkrus ang landas ng magkaibigan. Ang isa pang maaaring matoka sa Pilipinas sa crossover semis ay ang maangas ding Thailand.

“We still have Indonesia with Rajko Toroman,” paliwanag ni Cone. “Thailand, they’ve been beating up their opponents. They’re very dangerous.”

Kaya ‘di puwedeng mawala ang habits na laging naka-focus sa laro, alerto sa magkabilang dulo.

May posibilidad ding muling magkita sa final ang Pilipinas at Vietnam, kung makakalusot sa semis ang mga Vietnamese.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?