229

Nov 30, 2017 @ 14:30
By

Gilas Pilipinas tiba-tiba sa bonus

Kasunod nang kumbinsidong panalo ng Chooks to Go-Gilas Pilipinas sa Chinese Taipei 93-80 nung Lunes, tumuloy ang National team sa isang restaurant malapit lang sa Smart Araneta Coliseum.

At ipinarating ng big boss ng Chooks to Go na si Sir Raymond na may bonus ang mga manlalaro ng Gilas.

Katunayan, si Allein Maliksi na tumanggap ng sportsmanship award ay nabigyan ng P50,000 bonus.

Si national team veteran Gabe Norwood naman ay inabutan ng P60,00 pagkatapos gawaran ng loyalty award.

Malinis ang Pilipinas sa first 2-0 sa first window ng 2019 FIBA World Cup Asia qualifying, unang biktima ang Japan 77-71 sa Tokyo noong Nov. 24.

Sa second window sa February, sunod na asignatura ng Nationals ang bigating Australia.

Laban sa Chinese Taipei, nanguna muli sa Nationals si Jayson Castro na may 20 points, four rebounds at four assists. Nambarako ng 17 markers at eight boards si June Mar Fajardo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?