56
Gilas nagpasaklolo sa netizens
By

Gilas Pilipinas posibleng hawakan ng European coach

Tab Baldwin, Tim Cone, Ryan Gregorio – ilan ‘yan sa mga naglilitawang pangalan para maging susunod na Gilas coach, ngunit posibleng lumihis ng landas ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Sa ngayon ay hikahos sa paghahanap ng bagong mentor ang local basketball body matapos magbitiw ni Yeng Guiao bilang tagamando sa PH team.

Ngayon ay kailangang paghandaan ang 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa home soil, sa Setyembre 30 ay dapat naipasa na ang mga pangalan ng bubuo sa national pool.

“We have to move quickly. I don’t know if there’s a timetable. It might be a local coach, it might be a foreign coach,” ayon kay SBP president Al Panlilio.

Posibleng sundin ng SBP ang mungkahi ni Guiao, kumuha ng European coach na bagong magiging lider ng PH Nationals.

“That’s part of the assessment. If the suggestion given by coach Yeng is that we should adopt with that style of basketball, then we do need a European coach or at least somebody who knows European basketball,” saad pa ni Panlilio.

Naging matikas ang European region sa nagdaang 2019 Fiba World Cup, kampeon ang Spain habang third place naman ang France.

Swak din sa Top 5 ang Serbia matapos talunin ang Team USA, na laglag sa ikapitong pwesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?