Gilas Pilipinas nalusutan ang Japan sa World Cup qualifiers

Sharing is caring!

Naipanalo ng Gilas Pilipinas ang kanilang unang assignment sa 2019 FIBA World Cup matapos talunin ang Japan 77-71 sa Tokyo kanina.

Naging mainit ang simula ng koponan ng Pilipnas sa kanilang solidong depensa kung nakuha nila ang trangko, 18-10 sa first quarter.

Napanatili ng Gilas ang opensiba sa second quarter gayundin ang kanilang malagkit na depensa para iukit ang 38-28 bentahe sa halftime break.

Subalit pagsapit ng third quarter, bumalik ang ritmo ng Japan kung umatake ang mga ito ng 12-0 blast para makadikit sa Gilas. Nagtapos ang third quarter sa 59-55.

Bumalik sa sampu ang lamang ng Gilas sa fourth period, 70-60 subalit rumesponde ang ang Japan ng 9-2 run para ibaba ang kalamangan ng Pilipinas sa tatlo.

Subalit bumanat ng 3s si Jayson Castro at nag-layup sio Roger Pogoy para sa 76-60 ilang segundo na lang nalalabi sa laro.

Sunod na makakalaban ng Pilipinas ang Chinese-Taipe sa Smart Araneta Coliseum sa Lunes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?