55

Jun 18, 2021 @ 20:33
By

Gilas Pilipinas dominado FIBA, minani Indonesia

Nanatiling undefeated ang Gilas Pilipinas matapos tambakan ang Indonesia, 76-51, sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa Angeles University Foundation nitong Biyernes.

Umakyat ang record ng Gilas sa 5-0 para maghari sa Group A.

Napako naman sa third spot ang Indonesia sa 1-4 baraha ngunit kuwalipikado pa rin sa kompetisyon bilang host ng Asia Cup.

Hindi ito ang unang beses na dinurog ng mga Pilipino ang mga Indonesian.

Pebrero 2020 ay nagharap na ang dalawang koponan kung saan nilubog din ng Gilas ang mga Indonesian sa 30 puntos, 100-70.

Bago nito ay ginulantang ng Pinoy squad ang South Korea, 81-78, noong Miyerkoles nang pumasok ang buzzer-beater tres ni SJ Belangel may 2.9 segundo na lang sa 4th quarter.

Dahil dito, nagtala ng 4-0 record ang Gilas at nangibabaw sa Group A para makaselyo ng tiket sa Fiba Asia Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?