59

Dec 10, 2019 @ 8:45
By

Gilas Pilipinas abot-kamay na ang gold medal

Abante na sa finals ng 5×5 men’s basketball tournament ang Gilas Pilipinas matapos gibain ang Indonesia, 97-70, sa 30th SEA Games nitong Lunes sa Mall of Asia Arena.

Kapwa nasa ritmo sina Chris Ross, Matthew Wright at Marcio Lassiter sa long distance sa second half para imartsa ang Pilipinas sa pakikipagtunggali sa finals sa Thailand.

Malinis pa sa 4-0 ang record ng Gilas sa SEA Games at itinakda ang gold medal match kontra Thailand sa Martes, Disyembre 10 sa kaparehong venue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?