49

By

Gilas papakondisyon sa Spain

Isang pocket tournament ang nakatakdang lahukan ng Gilas Pilipinas sa Agosto 4-11 sa Spain laban sa FIBA host country Congo at Ivory Coast bago tumungo ng Foshan, China sa Aug 26.

Makakatapat ng Gilas sa Group D ng kumpetisyon ang world power Serbia, Italy at Angola kung saan kailangang manalo nang dalawang beses ng Gilas upang makarating sa second round.

Ang pagsusumikap na ito ng Gilas Pilipinas ay para sa hanggad na maging best-placed team sa Asya at makasiguro ng pwesto sa 2020 Tokyo Olympics.

Ayon sa FIBA, ang natitirang apat na Olympic berths na asam na makamit ng Team Pilipinas ay paglalabanan ng 16 na pinakamagaling na qualifying teams sa World Cup at dalawang bansa kada rehiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?