12

Aug 2, 2021 @ 14:34
By

Gilas pang-apat sa King’s Cup

Nagtapos sa ikaapat na pwesto ang Gilas Pilipinas sa 10th King Abdullah Cup sa Amman, Jordan matapos mabigo kontra Tunisia, 80-68, sa battle for third nitong Linggo (oras sa Pilipinas).

Dahil battle for third, hindi na lumaro ang naturalized player na si Angelo Kouame.

Sa pagkawala ni Kouame, nahirapan ang Gilas at naghabol ng hanggang 16 points.

Gayunpaman, nagpamalas ng puso ang mga Pilipino at naibaba ang lamang sa tatlo bago bumigay sa laban.

Nanguna para sa koponan si Carl Tamayo na may 14 points, habang nagdagdag si SJ Belangel ng 12 points. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?