29

Aug 1, 2021 @ 14:53
By

Gilas olats sa Jordan

Taob ang Gilas Pilipinas kontra host team na Jordan, 84-74, sa semifinals ng King Abdullah Cup nitong Linggo (oras sa Pilipinas).

Bumuo agad ang Jordanians ng 28-13 lamang sa pagtatapos ng first quarter at mula rito’y kinontrol na ang laro.

Huling nakalapit ang Gilas sa 72-68, may 3:26 natitira sa orasan bago sila saraduhan ng pinto ng host team.

Dahil sa pagkatalo ay bagsak sa third place game ang Gilas kung saan makakaharap nila ang Tunisia.

Nanguna para sa Pilipinas si Ange Kouame na may 20 points, ngunit nag-iisang player lang siya na nakaiskor sa double digits.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?