48
Gilas nagpasaklolo sa netizens
Jan 26, 2020 @ 11:41
By

Gilas, main menu sa Italy – Ricky, Willie

Matinding diskusyon ang inaasahan sa mga opisyal at miyembro ng PBA Board of Governors sa kanilang annual planning session sa Milan, Italy sa sunod na Linggo kabilang ang pagbalangkas ng programa para sa season-long celebration ng PBA Season 45 simula sa Marso 1.

Pamumunuan nina Board chairman Victorico ‘Ricky’ Vargas ng TNT KaTropa at league Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial ang delegation na magtutungo sa northern Lombardy region metropolis ng Italy sa Lunes.

Sasama para sa talakayan sa long-term plans para masustina ang status ng liga bilang leading sports entertainment sa bansa sina Vice chair Bobby Rosales ng Columbian Dyip, treasurer Silliman Sy ng Blackwater at at board members Alfrancis Chua ng Barangay Ginebra San Miguel, Robert Non ng San Miguel Beer, Rene Pardo ng Magnolia, Al Panlilio ng Meralco, Rod Franco ng NLEX, Raymond Zorrilla ng Phoenix, Mert Mondragon ng Rain or Shine, Erick Arejola ng NorthPort at Dickie Bachmann ng Alaska Milk.

“It will be an exciting summit, and we’re all hopeful for fruitful talks leading to a joyful celebration of the league’s 45th season,” wika ni Marcial.

Nasa radar ng pro league ang paglulunsad sa unang PBA 3×3 tournament para tulungan ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na mapalakas ang sport na isasagawa sa unang pagkakataon sa 2020 Tokyo Olympic event sa Tokyo sa Hulyo.

Nasa mesa ang Gilas program na naglalayong maiangat ang bansa sa itataguyod na 19th FIBA World Cup 2023 na itataguyod ng bansa kasama ang Japan at Indonesia.

Kabilang dito ang paparating na unang window ng FIBA Asia qualifier sa Pebrero kung saan malamang magpadala ang Gilas ng hybrid roster tampok ang mga bagong Gilas cadet na may sahog na ilang mga beteranong na manlalaro ng PBA.

“The league is still in break in February, so the PBA players are free to join Gilas if they’re invited to reinforce the national team. We’ll hear from SBP president Panlilio,” hirit ni Marcial.

Gayundin ang masustina ang malaking pag-angat ng PBA viewing sa digital platform.

“We’ve gone heavy on digital in the past season, and we intend to continue to do so,” panapos na wika ni Marcial.

Nagtala ang katatapos na PBA Season 44 ng mga greats hits PBA games sa live viewing sa pamamagitan ng TV5 digital arm.

Humakot ang nakaraang taong NLEX-NorthPort triple-overtime game sa PBA Governors Cup quarterfinal ng 1.5 million views. Sinundan ito ng mataas na viewing sa nakalipas na Ginebra-Meralco finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?