32

Jul 22, 2021 @ 22:33
By

Gilas lineup nilabas na para sa King Abdullah Cup

Inanunsyo na ang 15-man lineup ng Gilas Pilipinas na sasabak sa King Abdullah Cup sa Amman, Jordan, na pinangungunahan ni Japanese B. League star Thirdy Ravena.

Kasama niya sa lineup si naturalized bigman Angelo Kouame, Dwight Ramos, Carl Tamayo, Isaac Go, Matt Nieto, Rey Suerte, Dave Ildefonso, Geo Chiu, Jordan Heading, Justine Baltazar, Mike Nieto, RJ Abarrientos, SJ Belangel at William Navarro.

Hindi kasama ang mga Gilas cadets na sina Allyn Bulanadi, Tzaddy Rangel, Jaydee Tungcab, Kemark Carino at Kai Sotto.

Si Sotto ay naunang nagpaalam dahil sa commitment nito sa Australia, habang sina Tungcab at Carino naman ay tinamaan ng injuries.

Ang King Abdullah Cup ay magsisilbing warm-up tournament ng Gilas para sa FIBA Asia Cup. Makakaharap nila dito ang Egypt, Saudi Arabia, Jordan-A, Jordan-B at Tunisia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?