52

Nov 10, 2017 @ 11:00
By

Gilas-Japan match sold out!

Wala na raw mabiling ticket sa Gilas Pilipinas-Japan match ng FIBA World Cup qualifiers para sa Asia.

Sa Nov. 24 ang bakbakan sa Tokyo, pero ngayon pa lang ay sold out na raw ang tickets kaya sigurado nang full house ang Komazawa Gymnasium.

Base sa FIBA website, nasa 3,875 ang kapasidad ng Komazawa gym na naging basketball venue ng 1964 Tokyo Olympics.

“I am so pleased to know fans in Japan pay a great deal of attention to the game against Philippines,” pahayag ni Japan Basketball Association secretary-general Michihiro Tanaka sa FIBA website.

Pagkatapos ng Japan, sa home-and-away format ng torneo ay ihu-host naman ng Pilipinas ang Chinese Taipei sa Smart Araneta Coliseum sa Nov. 27 na kukumpleto sa First Window ng qualifying.

Ang Second Window ay sa susunod na taon, dadayuhin naman ng Gilas ang Australians sa Feb. 22, bago ihu-host ang Japan sa Feb. 25. Sa Third Window, lulusob ang Gilas sa Chinese Taipei sa June 29, sa July 2 ay dadayo ang Australia sa Manila.

Abante ang top three teams sa second round sa isa pang home-and-away tournament.

Pitong slots sa FIBA Worlds ang nakataya sa Asia joust, pero hawak na ng China ang isa bilang host ng 2019 World Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?