22

Jul 7, 2020 @ 16:10
By

Gilas isusuka rin si Baldwin?

Matapos tanggalin sa TNT KaTropa, sunod naman kaya ang posisyon ni Tab Baldwin sa Gilas Pilipinas?

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios, sa ngayon ay wala silang balak na sibakin si Baldwin bilang program director.

Ito’y kasunod ng pagbanat ni Tab sa local league na PBA nang sabihing ‘tactically immature’ ang mga coach, pati na rin ang pagpabor umano ng mga referee sa import.

“Hindi naman palagay ko, not unless magsasalita uli siya ng wala sa lugar,” saad ni Barrios sa online forum ng Philippine Sportswriters Association.

“President Al Panlilio, in fact, wants to have a video conference with him and with the SBP team to address the moving forward of the program,” aniya pa.

Pinagmulta si Baldwin ng P75,000 at suspendido ng tatlong laro sa PBA, na kalaunan ay sinibak naman bilang assistant coach ng KaTropa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?