15

Jun 10, 2021 @ 11:34

Gilas guard Rey Suerte, minalas

Nagtamo ng isang ankle sprain ang Gilas Pilipinas team captain Rey Suerte sa gitna ng kanilang ensayo nitong Miyerkoles.

Ayon sa therapist ng koponan na si Dexter Aseron, sa taya niya’y maaaring Grade 2 o Grade 3 ang sprain ni Suerte, na siyang magdudulot sa kanya na hindi makapaglaro sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

Isa itong kamalasan para sa Gilas dahil na rin sa nalalapit nilang pagsabak sa FIBA Asia Cup qualifiers na gaganapin sa Clark, Pampanga.

Bukod kay Suerte ay nauna na rin nagtamo ng injuries sa Gilas sina Matt Nieto at si Dave Ildefonso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?