18

Feb 12, 2021 @ 16:34
By

Gilas captain nagpasalamat sa mga kampi, coaching staff

Tuluyan nang nakansela ang third window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers matapos na maharangan ang hosting sana ng Qatar dahil sa pagkalat ng COVID-19 sa naturang lugar.

Dahil dito’y napurnada ang ensayo ng Gilas Pilipinas sa Calambubble, isa sa mga naunang dumating doon ay si team captain Kiefer Ravena.

Sa Instagram post ni Kiefer, nagpasalamat siya sa kanyang mga kakampi na nagsakripisyo para sa bansa.

“Thank you my brothers! We’ve fought day in and day out, pushed each other to our limits and sacrificed time away from family and loved ones,” lahad ni Ravena.

Tinawag din ng NLEX star na ‘Avengers’ ang coaching staff ng Gilas dahil sa pagpapasensya sa kanilang matitigas raw ang ulo.

“To the Avengers aka our coaching staff, over 100 years of experience shared to a bunch of hard headed players,” saad pa ng manlalaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?