60

By

Gilas, Boomers na nakipagrambulan dapat parusahan at mag-sorry – Angara

Sharing is caring!

Kumampi si Senador Sonny Angara sa Gilas Pilipinas na nakipagbugbugan sa Australia Bommers sa gitna ng kanilang laban para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ayon kay Angara, hindi maganda ang nangyari pero panig siya sa Gilas bilang tagahanga na hindi nang-iiwan.

“It was an unfortunate event but I stand by the Gilas team on this. One may criticize how the game ended, but the true test of a fan is to stick with his team win or lose, through thick and thin,” ayon sa senador na chairman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Gayunpaman, sinabi ni Angara na dapat pa ring may maparusahan sa nangyari.

Dapat din aniyang humingi ng paumanhin ang mga manlalaro na nakipagrambulan.

“But let me make this crystal clear: sanctions must be meted out, apologies extended as true sportsmen would, nonplayers who joined the melee should be punished, and above all, lessons learned so that this should not happen again,” diin ni Angara.

Sinisi naman ni Angara ang referee sa laban dahil hindi napigilan na mangyari ang rambol.

“It was unfortunate that things got out of hand. It could have been prevented if the referees had tightened officiating to better control the game,” dagdag ng senador.

Natural naman umano na nagkampihan ang mga manlalaro ng Gilas Pilipinas at Australia Boomers sa gitna ng bugbugan dahil kapatiran ang basketball team. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?