13

Jun 25, 2021 @ 11:52
By

Gilas biyahe munang Serbia bago makumpleto bakuna

Tatapusin muna ng Gilas Pilipinas ang FIBA Olympic Qualifying Tournament (OQT) bago makumpleto ang proteksyon kontra COVID-19.

Sa pahayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) deputy executive director Butch Antonio, sinabi nito na sumulat na sila sa  Philippine Olympic Committee (POC) para mausog ang pagbabakuna ng national team.

“We have requested to reschedule the vaccinations of our personnel when the team gets back from Serbia and after finishing quarantine,”  ayon kay Antonio.

Noong Mayo unang nabakunahan ng Sinovac ang mga manlalaro ng Gilas.

Bumiyahe na patungong Serbia ang national team kung saan haharapin nila ang host country at Dominican Republic sa tsansang makapasok sa 2020 Tokyo Olympics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?