405

Gilas, Australian players sususpendihin ng FIBA

Sharing is caring!

Inihayag ng FIBA na papatawan nila ng disciplinary action ang mga manlalaro ng Gilas Pilipinas at Australia kasunod nang nangyari rambol sa World Cup qualifier noong Lunes ng gabi.

Kabuuhang 13 manlalaro ang napatalsik matapos ang bugbugan na nagsimula sa third quarter kasunod nang banggaan nina Roger Pogoy at Chris Goulding sa lane.

Kahit tatlong players na lang ng Gilas – June Mar Fajardo, Gabe Norwood at Baser Amer ang natira, itinuloy pa rin ang laban. Ang pinal na iskor, 89-53 pabor sa Australia na nanguna sa Group B qualifier.

Humingi naman ng paumanhin sa fans si Anthony Moore, chief executive ng Australian basketball. “This is not the spirit in which sport should be played and certainly not in the spirit in which we aim to play basketball.”

Sabi pa ng FIBA, lalabas ang desisyon sa susunod na mga araw.

“Basketball Australia deeply regrets the incident in tonight’s match between the Boomers and the Philippines in Manila. We are extremely disappointed with what happened and our role in it,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?