93

Dec 2, 2019 @ 17:34
By

Gilas 3×3 double gold

Dalawang ginto ang sinungkit ng Philippine Gilas men and women’s squad sa 30th Southeast Asian (SEA) Games Lunes ng hapon sa FilOil Flying V Centre.

Unang kumuha ng ginto ang Gilas women matapos pabagsakin sa final round ang Thailand, 17-13, mula sa pangunguna ni Afril Bernardino na gumawa ng game-high 10 points.

Sumaklolo naman ng tig-3 marka sina Jack Animam at Janine Pontejos habang malimit na 1 puntos si 6-foot-4 center Clare Castro upang kunin ang kauna-unahang ginto ng 3×3 tournament.

Sinundan naman ito ng final game ng Gilas men matapos kubrahin rin ang gintong medalya nang tambakan ang Indonesia, 21-9.

Pasiklab ng game-high 10 points si CJ Perez kasama ang ginawa niyang ‘posterized dunk’ 7:10 marka ng sagupaan nila.

Umapagapay naman sina Chris Newsome at Jason Perkins ng tig-4 markers at 3 points naman para kay Mo Tautuaa kabilang na rin ang pinasabog na 2-digit basket para tapusin ang laro at ibigay ang gintong medalya sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?