30

Jan 12, 2021 @ 14:31
By

Giit ni nanay Dacera: Ni-rape anak ko

Pinaninindigan ni Sharon Dacera na hindi pumanaw ang anak niyang si Christine dahil sa ruptured aortic aneurysm o pagputok ng pangunahing ugat sa katawan.

“‘Para sa akin, ni-rape po ang anak ko,” sabi ni Sharon Dacera sa isang panayam, Martes.

“‘Pag nakita mo ‘yung katawan ni Christine, you would surely feel the pain… My daughter cannot speak anymore… She really struggled much.”

“Doon sa medico legal, kita ko ‘yung laceration ng anak ko, bruises. Ba’t ‘di nilagay doon? ‘Di ko ‘to tanggap itong autopsy na ginawa nila,” aniya pa.

Naniniwala rin si Sharon na may nilagay na droga sa alak na ininom ng 23-anyos na flight attendant bago ito nasawi.

“Most probably, mayroon talaga kasi kilala ko si Christine. Hindi ganyan ‘yung anak ko.”

“Siguro, ni-take advantage din nila ‘yung pagiging mabait at probinsyana ng anak ko, na Christine really trusted them so much. Sabi ko, as a friend, sana ‘di nila binetray nang ganoon si Christine,” giit pa ng nanay.

Inamin naman ni Sharon na hindi niya pa nakikita nang buo ang CCTV footage mula sa hotel tungkol sa mga nangyari bago matagpuang walang malay si Christine sa bathtub, Enero 1 ng tanghali.

Sa ngayon, inaalam pa ang tunay na sanhi ng pagkamatay ni Dacera

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?