49

Aug 27, 2019 @ 10:35
By

Giit ni Miley Cyrus: ‘Di ako cheater, sinungaling

Taliwas sa mga usap-usapan, hindi umano nangaliwa ang aktres na si Miley Cyrus sa kanyang dating asawang si Liam Hemsworth.

Matapos ang matagal na pananahimik, nagsalita na si Cyrus sa kanyang Twitter account.

“I can admit to a lot of things but I refuse to admit that my marriage ended because of cheating,” giit ng aktres.

“Liam and I have been together for a decade. I’ve said it before & it remains true, I love Liam and always will,” dagdag niya.

Napagtanto diumano ni Cyrus na tuluyan na siyang nagbago mula sa dating siya–pasaway, nagcheat, pariwara.

Sabi pa niya, wala naman nang mauungkat na baho sa kanya, dahil hindi siya sinungaling.

“You can say I am a twerking, pot smoking , foul mouthed hillbilly but I am not a liar. I am proud to say, I am simply in a different place from where i was when I was a younger,” saad ng aktres.

Naging syota ni Cyrus si Hemsworth noong 2009, at naka-ilang hiwalayan at balikan din sila.

Nagpakasal ang dalawa noong Disyembre 2018 subalit pareho nilang pinagpasyahang maghiwalay para umano umunlad ang isa’t isa nitong Agosto 10, 2019. (Riley Cea)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?