470

May 2, 2019 @ 15:21
By

Giit ni May Luna, naluto ang DLSU

Matapos ang laban ng Golden Tigresses at defending champions Lady Spikers nitong Miyerkoles para sa No. 2 seed at huling twice-to-beat bonus para sa Final Four, nag-post si veteran spiker ng DLSU May Luna sa kanyang Instagram story na “now we’re cooking” na tila patama sa mga taga-USTe.

Ilang minuto matapos ang laban ay nag-post ang open hitter ng “I luv cooking for real” kung saan ay naging kontrobersyal lalo na para sa mga fan na hindi nagustuhan ang “luto” na binibintang nito.

Ilan sa mga fan ay nadismaya at nabanas sa ginawang post ni Luna.

“Nakakahiya ginawa ni May Luna especially maraming slow mo replay sa video na tama lahat ng calls ng ref. Even Boom and Noreen explained the right calls made by the refs. And to those who were not convinced sa mga calls ng ref, just watch the replay and you will understand,” tweet ni Passer (@MarceLAW689).

Na-beast mode naman si @LordinaGray. “Feeling ko lang naman deserve ni May Luna maboo sa sunday. Sorry I don’t mind trashtalking and antics nakakatuwa yan at staredowns at keme keme. Pero discrediting your opponents win just because of “questionnable calls” is very chipipay and uncalled for. Hate begets hate. Sorry!”

Bumanat pa si @panaloadmu ng “Let’s revise it. To May Luna, you weren’t beaten by the bad calls alone. Your opponent did better than your team and you should know that.”

Napa-yuck naman si The Jermaingne Taj (@jermaignetee) “May Luna implicitly said na luto yung laro? Big yuck. You’re representing your school and the la sallian community sa UAAP, yet you lack the grace and decency to accept yung pagkatalo nyo. Whether or not there were bad calls, UST worked hard for this win. Don’t take that away.”

Kinalaunan ay binura din ng Taft-based spiker ang kanyang post.

Muling magtatapat ang UST at DLSU sa Mayo 5, Linggo, sa semifinals ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?