230
Gigil dati! James Yap aminadong sumama ang loob sa Magnolia
By

Gigil dati! James Yap aminadong sumama ang loob sa Magnolia

Hindi itinanggi ng Rain or Shine guard na si James Yap na nagkaroon siya ng tampo sa unang koponang pinaglaruan sa PBA.

10 taon ding naglaro para sa Magnolia, dating pangalan ay Purefoods, si Yap. Nakakuha ng pitong kampeonato para sa prangkisa at halos lahat ng kanyang accomplishment ay kanyang nasungkit sa nasabing koponan.

Halos limang taon matapos malipat sa Rain or Shine, pinabagsak ni Yap ang Magnolia sa bisa ng And-1 one-hander na pinasikat sa dating koponan, 75-74.

Ayon kay Yap, hindi niya naiwasang magtanim ng sama ng loob sa Magnolia franchise.

“Aaminin ko noong mga bago pa lang yung-trade masamang-masama ang loob ko,” pag-amin ni Yap.

“Pero ngayon, almost two years na so kailangan ko rin mag-relax. Kasi laging gigil pag sila kalaban. So ngayon, relax lang. Okay naman, maganda yung kinalabasan,” aniya pa.

Komportable na ngayon sa bagong koponan ang two-time PBA MVP, at ang hiling niya sa kanyang 37th birthday sa Pebrero 15 ay kampeonato para sa ROS.

“Sa mag-champion kami… as a Rain or Shine player naman,” ayon kay Yap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?