652

Nov 24, 2021 @ 17:32
By

Gigi todo bigay kay Gerald

Sinabi ng aktres na si Gigi de Lana na ibinigay niya ang lahat para sa first acting project niya kapareha si Gerald Anderson.

Sa Disyembre 15 na ipalalabas ang serye nila ni Gerald na “Hello, Heart” sa streaming platform na iQiyi.

Ani Gigi, sobra ang pressure na nararamdaman niya pero 100 porsiyento ang ibinigay niya para sa serye nila ni Gerald.

Samantala, hindi naman daw pinabayaan ni Gerald ang viral singer dahil first time nitong umakting.

“Hindi mo make-create ‘yan lalo na sa sitwasyon ni Gigi, it’s her first time. All you can do as partner niya, is to make her as comfortable as possible. We are in a very high pressure, sensitive, vulnerable environment.

“Kailangan comfortable siya. And then, let the rest happen. Sa awa ng Diyos, naging okay naman. We feel like we made magic. Sana maging magic siya sa December 15,” tsika ni Gerald sa ABS-CBN report.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?