20

Jan 23, 2021 @ 15:29
By

Gigi Hadid, Zayn Malik pinakilala si Baby Khai

Pinakilala na ng couple na sina Gigi Hadid at Zayn Malik ang kanilang baby girl na si Khai.

Matapos ang ilang buwan na paglihim nila sa pangalan ng kanilang anak, makikita sa Instagram ng American supermodel ang pagpalit niya sa kanyang bio na “Khai’s Mom.”

Setyembre ng nakaraang taon isinilang ni Hadid si Baby Khai.

“Our girl joined us earth-side this weekend and she’s alreachanged our world. So in love,” saad niya sa kanyang post.


Proud daddy naman si Malik sa kanyang baby girl.

“Our baby girl is here, healthy and beautiful,” saad niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?