1,285

Oct 28, 2021 @ 9:01
By

Gigi De Lana ‘first time’ si Gerald

Kabado umano si Gigi De Lana sa kanyang ‘first time.’

Ito ang inilahad ni Gigi sa pagbubukas ng taping ng seryeng ‘Hello, Heart’ kung saan katambal niya ang batikang aktor na si Gerald Anderson.

Bukod sa pagiging kabado, inamin ng singer na na-starstruck siya nang makita si Gerald.

“Nung narinig ko yung offer na magkakaroon ako ng serye, nagulat ako. Totoo ba to? Sa puso ko excited, kabado. First time ko e. Ang partner ko pa Gerald, ang tagal na nito. Mai-intimidate ako kahit di ko pa siya nakikita,” pahayag ni Gigi.

“Kinabahan ako. Paano kaya to? Seryoso kaya ito? Pero pinakita ko pa rin yung totoong ako. Yung tawa ko pinakita ko na, yung kakulitan ko pinakita ko na,” dugtong pa niya.

At para mapakalma ang baguhang katambal, may payo si Gerald.

“Enjoy. Pace yourself. Kailangan mo na stamina sa trabahong ito. Meron pa tayong 3 days then rest then 4 days ulit. So stamina physically and emotionally. Ako ang coach mo,” pahayag ni Gerald.

Pagtutuloy ni Gerald, mainam kung magwowork-out si Gigi upang makaya ang pagod sa naturang trabaho.

Sa ‘Hello, Heart’ ay gaganap si Gigi bilang si Heart, katambal ang role ni Gerald na gaganap bilang si Saul.

Ito rin ang unang sabak ni Gigi sa pag-arte. Matatandaang una siyang sumikat sa ‘Tawag ng Tanghalan.’ (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?