52

Oct 7, 2021 @ 17:35
By

Gibo Teodoro comeback sa politika, asam senador

Naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para tumakbong senador sa 2022 si dating Defense Secretary Gilbert ‘Gibo’ Teodoro ngayong Huwebes.

Hindi naman personal na tumungo sa filing ng COC si Teodoro bagamat ang kanyang representative ang naghain ng COC.

Siya ay tatakbo sa ilalim ng People’s Reform Party ni yumaong dating senador Miriam Defensor-Santiago.

Nitong mga nakaraang buwan ay tumungo sa Davao City si Teodoro para pagusapan ang posibilidad na maging running mate siya ni Mayor Sara Duterte-Carpio.

Yun nga lang, naghain ng COC si Mayor Sara para muling tumakbong alkalde.

Huling tumakbo si Teodoro noong 2010 presidential elections kung saan siya ay natalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?