72

Sep 21, 2021 @ 16:08
By

Gibbons: Pagreretiro ni Pacquiao ‘di pa sigurado

Hindi pa umano pormal na nagaanunsyo si Senador Manny Pacquiao kung titigil na ito sa pagboboxing, ayon kay MP Promotions head Sean Gibbons.

Ayon sa ulat ni Kevin Iole ng Yahoo! Sports, sinabihan siya ni Gibbons na hindi pa pinal ang desisyon ni Pacman sa karera, kahit pa naganunsyo na ito ng presidential bid sa 2022.

“He will in the next few weeks, will make a final decision whether to have one more or retire,” wika ni Gibbons.

Ganito rin ang naging pahayag niya sa ulat ng Boxing Scene, kung saan sa Oktubre pa umano ang pinal na desisyon ng boxer-senator.

“(For now) he is just discussing, ‘maybe or maybe not.’ Nothing official,” aniya.

Taliwas dito ang naging pahayag ni Pacquiao sa panayam ni Toni Gonzaga na titigil na ito sa pagboboxing.

“Boxing career ko, tapos na ‘yung boxing career ko,” saad ni Pacquiao sa panayam.

“Kasi, matagal na rin ako sa pagboboxing, at ‘yung pamilya ko, laging nagsasabi, tama na. Nagtuloy-tuloy lang ako kasi passionate ako dito sa sport na ‘to. Magsu-support na lang ako ng mga boksingero para magkaroon tayo ng champion ulit,” dugtong pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?