11

Nov 24, 2021 @ 17:19
By

Giant Christmas tree pina-ilaw sa Navotas

Idinaos ng pamahalaan ng Navotas City ang taunang Christmas tree lighting ceremony at ang pagbubukas ng Christmas Bazaar sa Navotas City Walk and Ampitheatre bilang hudyat na papalapit na ang kapaskuhan.

Nagsimula ang pagpapa-ilaw bandang alas-6:00 ng gabi nitong Nobyembre 22, napuno ito ng kantahan at sayawan ng mga iskolar ng lungsod.

“It has been more than a year since we enjoyed the outdoors. Our people deserve this, especially since they have been very supportive in keeping our cases down,” saad ni Mayor Toby Tiangco.

Tampok din ang iba’t ibang lokal na produkto sa Christmas Bazaar. Bukas ang bazaar hanggang Disyembre 23, simula alas-5 ng hapon hanggang alas-12 ng tanghali.

Samantala, pinaalalahanan ng alkalde na panatilihin ang pagsunod sa health protocols.

“However, we must continue to be careful and to follow the health protocols because the danger of contracting COVID remains,” ani Tiangco. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?