218

Dec 2, 2017 @ 11:01
By

Giant Christmas Tree ni Kim Chiu, usap-usapan sa socmed

Amoy-Pasko na nga kaya kanya-kanya nang eksena ang mga artista sa pagde-decorate ng kani-kanilang mga house lalong-lalo na ang paglalagay ng Christmas Tree at decors nito.

Kanya-kanya silang theme at ang iba ay personal nilang ginawa ito during their spare times.

Ilan nga sa mga nag-post na ng kanilang Christmas Tree ay sina Vina Morales na isang white Christmas Tree ang inilagay sa kanilang sala. Pero, ang bongga rito ay siya mismo ang gumawa ng mga ribbons na nakapalamuti sa buong Christmas Tree.

Ang magdyowa namang Ogie Alcasid at Regine Velasquez ay ayaw pakabog , huh! Sa kanila, fresh Christmas Tree talaga at well-secured ito na hindi matumba o maluntoy dahil sa haba ng Christmas season.

Isang giant all-white Christmas Tree naman ang drama ni Jinkee Pacquiao na nakatayo sa isang kanto sa mansion nila sa Forbes Park? Sa iba pang mga bahay nila ng Pambansang Kamao, ano kaya ang mga eksena, noh?

Iba rin ang eksena ni Ruffa Gutierrez sa kanyang haybol. Ang Christmas Tree niya ay puro bears ang dekorasyon kaya mala-Bearry Christmas Tree ang theme naman niya.

At siyempre pa, ang pinag-usapan na giant Christmas Tree ni Kim Chiu na siya mismo ang nag-decorate at talagang nanghiram pa ng ladder sa kapitbahay para maikabit lang hanggang sa tuktok ang mga dekorasyon niya, noh.

‘Yung ibang celebs natin, ano kaya ang mga pa-epek at mga paandar ng mga ito sa kani-kanilang bahay?

Well, abangan!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?