26

Jun 16, 2021 @ 11:42
By

Giannis, nakakuha unanimous vote sa All-NBA First Team

Nilabas na ng NBA nitong Miyerkules (oras sa Pilipinas) ang mga manlalarong kasali sa tatlong All-NBA Teams.

Sina Giannis Antetokounmpo, Nikola Jokic, Luka Doncic, Stephen Curry at Kawhi Leonard ang mga bumubuo sa All-NBA First Team.

Unanimous ang pagboto kay Antetokounmpo, na nangangahulugang lahat ng 100 balota ay nilagay siya sa First Team. Ito rin ang ikatlong sunod na taon ng Milwaukee Bucks forward sa First Team. Sinundan siya ni Jokic na may 99 first team votes.

Samantala, sina Damian Lillard, Joel Embiid, Chris Paul, Julius Randle at LeBron James naman ang mga nasa All-NBA Second Team.

At ang All-NBA Third Team naman ay binubuo nina Bradley Beal, Jimmy Butler, Paul George, Rudy Gobert at Kyrie Irving.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?