28

Dec 2, 2021 @ 14:04
By

Giannis nagmamaw; Bucks dinaig Hornets

Isang game-winning lay-up ang isinalpak ni Giannis Antetokounmpo at nalusutan ng Milwaukee Bucks ang Charlotte Hornets, 127-125, ngayong Huwebes.

Tinabla ni LaMelo Ball ang laban sa 125-125 matapos ibaon ang isang tres may 5.9 segundo sa orasan.

Ngunit sapat ang nalalabing oras para sa kabayanihan ni Antetokounmpo.

Makaraang ang isang time-out, kinuha ni Greek Freak ang pasa na agad niyang sinalaksak kung saan walang nakapigil sa kanyang lay-up.

May natira pang dalawang segundo sa orasan ngunit nagmintis ang half-court shot ni Miles Bridges.

Tumapos si Antetokounmpo ng may 40 points, 12 rebounds at siyam na assist, habang anim pa niyang kakampi ang umiskor sa double digits.

Nanguna naman para sa Hornets si Ball sa kanyang 36 points at siyam na assist. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?