62

By

Giannis nag-MVP dahil sa bulong ng media – Harden

Hanggang ngayon, hindi pa rin maka-move on si Houston Rockets star James Harden sa pagdaplis sa kanyang kamay ng sana’y back-to-back MVP titles.

Sa panayam ni Harden sa GQ para sa kanyang bagong sapatos, sinabi nito na bagama’t nirerespeto niya si Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo, hindi pa rin nito maiwasang isipin na nakaapekto ang mga lumalabas na report sa media kaya natalo siya nito sa MVP award.

“You can’t pout or be mad, and the kid had an unbelievable season, so did his team. But the things I was putting up were legendary,” ayon kay Harden.

Sa nagdaang season ay maraming record na sinungkit si ‘The Beard’ pagdating sa scoring, gumawa ng 32-game 30-point streak, walong 50-point game at dalawang 60-point performance.

Ngunit hindi mainitindihan ng manlalaro kung bakit umano puro si Giannis ang pinag-usapan sa media.

“And all the talk was about [Giannis Antetokounmpo]? There’s no way,” aniya pa.

Bintang pa ng seven-time All-Star, mayroon na umanong target ang media na palanuning MVP hindi pa man nagsisimula ang season.

“It hasn’t happened yet, it’s too early. Wait until the preseason and when the regular season starts up again. But they [the media] for sure got some teams they locked in on,” giit nito.

Kung titingnan ang stats, nag-average ng 36.1 points, 7.5 assists at 6.2 rebounds si Harden sa 2018-19 season, habang may 27.7 points, 5.9 assists at 12.5 rebounds naman si ‘The Greek Freak’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?