15

Nov 17, 2020 @ 15:55
By

Giannis hindi dineny paglipat sa Miami

Sumasakay si Giannis Antetokounmpo sa mga usap-usapan sa posibilidad na pagtalon nito patungong Miami Heat.

Ito’y matapos na mag-react ang back-to-back NBA MVP sa kwento ng kanyang kaibigan na si tennis star Nick Kyrgios na abot tenga ang ngiti nito matapos tanungin ukol sa Florida-based-squad.

“Why do you always have to start something?!! @NickKyrgios,” saad ni Giannis na may nakatawang emoji.

Sa ngayon ay may isang tao pa si Antetokounmpo sa kanyang kontrata at pwedeng pumirma ng supermax extension sa Bucks.

Ngunit kung mabigo ang Milwaukee ay magiging free agent na si Giannis sa 2021 at may tsansa na manguna ang Heat sa kanyang listahan lalo’t pinatunayan ng koponan ni Erik Spoelstra na kaya nilang makaabot sa Finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?