72
Giannis 'di umubra sa baseball
Jul 16, 2019 @ 15:43
By

Giannis ‘di umubra sa baseball

Sa basketball court, mabangis na maituturing si Giannis Antetokounmpo dahil sa husay nito sa naturang sport pero nang subukan niya ang baseball sa Yankee Stadium, tila naging rookie muli ang reigning NBA MVP.

Bumisita Lunes ng gabi ang 24-anyos na player sa Yankee Stadium.

Nagulat siya nang hawakan ang baseball bat.

“It was really heavy. I thought it would be lighter,” sabi ni Antetokounmpo sa isang pahayag.

Sinubukang magpapawis ng Milwaukee Bucks star bago ang paghaharap ng Yankees sa Tampa Bay Rays.

Tinuruan siya ng tamang paghampas at pag-swing pero nagmintis sa una at hindi makatama ng bola.

Aminado siyang magiging “terrible baseball player” kung sakali.

Nasa Bronx ang 6-foot-11 “Greek Freak” kasama ang tatlo niyang kapatid para mag-promote ng bago niyang signature sneaker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?