543

Sep 10, 2019 @ 11:46
By

Giannis ‘di nirespeto! Greece sigaw ang ban para sa mga referee, game official

Hindi nagustuhan ng Greece national team ang naging pito kontra sa kanilang star player na si Giannis Antetokounmpo sa naging laban nila kontra Czech Republic.

Bagama’t panalo ang Greece, 84-77, hindi pa rin sapat ang kanilang naging lamang para makaabante sa quarterfinals na kinailangan ng 12-point lead para makapasok sa final 8.

At isa sa mga tinuturong dahilan ng Greece coach na si Thanasis Skourtopoulos ay ang offensive foul na tinawag kay Giannis sa gitna ng fourth quarter.

Lamang ang Greece, 67-57, nang mag-drive si Giannis ngunit tinawagan ng offensive foul, sa replay ay tila malabo ang contact na tingin ng Greece ay hindi dapat pinito lalo’t ang foul ang ikalima ng 2018-19 NBA MVP.

Saad ng spokesman ng Greece, dapat ay ma-ban sa international tournament ang mga game official at referee sa nasabing laban dahil nakaapekto ang mga tawag sa kanilang tsansa sa World Cup.

“Also (a ban) for those who nominate the referees and also watch the video and announce the results,” ayon sa spokesman.

Sa nasabing laro, tumapos si Giannis ng may 12 points, siyam na rebounds at apat na assists bago grumaduate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?