20

Nov 18, 2021 @ 16:13
By

Giannis binuhat Bucks; wagi kontra Lakers

Bumuga ng 47 points at siyam na rebounds si Giannis Antetokounmpo upang dalhin ang defending champion Milwaukee Bucks sa 109-102 panalo kontra Los Angeles Lakers ngayong Huwebes.

Muli na ring nagbalik mula sa pagkakasakit ng COVID-19 si Khris Middleton at nag-ambag ng 16 points, limang rebounds at anim na assist.

Tumulong pa sina Bobby Portis na may 17 points at Pat Connaughton na kumana ng 16 points.

Ngunit sadyang naging alas ng Bucks ang ‘di mapigilang si Antetokounmpo.

Nanguna naman para sa Lakers si Talen Horton-Tucker na may 25 points at 12 rebounds, habang may 18 points si Anthony Davis at 19 points at 15 assists ang ibinuhos ni Russell Westbrook.

Gayunman, nabitin ang Lakers sa end game.

Nangungulila pa rin sila sa presensya ni LeBron James.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?