399

Nov 6, 2017 @ 16:24

GF ni Jomari Yllana, 2 months preggy

Magkakaroon na uli ng isa pang kapatid si Andre Yllana mula sa kasintahan ng kanyang tatay na si Joy.

Buntis ng dalawang buwan ang non-showbiz girlfriend ni Jomari Yllana.

Unang na-post sa Facebook account ni Joy ang ultrasound video result at photo ng kanyang pagbubuntis at sinabi niya sa shoutout na masaya siya sa kalagayan niya ngayon.

Sa pakikipagtsikahan namin sa kanya thru messenger, sinabi ni Joy na nakunan na siya sa dapat na unang baby nila ni Jomari na pinangalanan daw ng huli na Sophia.

Masyado niyang dinamdam ang nangyari sa kanya. Pero dahil sa positive outlook ni Jomari sa buhay at sa kanilang relasyon lalo na ang pag-aalaga nito, tinanggap niya nang matiwasay ang nangyari.

Sey pa niya, noong una sinikap raw nilang makabuo pero bigo silang dalawa. Kaya nga itinuturing na ‘heaven sent’ ang pagbubuntis na ito ngayon ni Joy.

Bawal magkikilos si Joy kaya bed rest raw siya ngayon. Ikinuwento niyang inaalagaan siya nang husto ni Jomari. Ito raw lagi ang nagpapainom ng gatas sa kanya, nagpapaligo at nagbibigay ng mga pangangailangan nito.

Nagpapasalamat si Joy dahil malakas ang kapit ng kanyang baby sa sinapupunan niya. Gusto lang niyang huwag maulit ang miscarriage kaya triple ang pag-iingat niya ngayon sa ipinagbubuntis niya.

Sabi pa ni Joy, lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya ay masaya sa kanyang kondisyon, pati na ang anak ni Jomari kay Aiko Melendez na si Andre na nagtatanong noong una kung kailan siya uli mabubuntis.

Base sa kanyang profile info, si Joy ay nag-Master ng Public Administration at nagtapos ng Kursong Government Management sa Lyceum of the Philippines University.

Nagtatrabaho bilang government employee si Joy at habang buntis siya ngayon ay pahinga muna siya sa work. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?