1,110

By

GF ni Japeth nasarapan sa Bora

Boracay Island ang in-enjoy ng beauty queen and basketball player couple na sina Japeth Aguilar at Cassy Naidas nitong Holy Week.

Sa Instagram, bumuhos ang mga bikini at couple pics ng dalawa kita ang kanilang maganda at matipunong pangangatawan, ngunit bukod pa rito ay naipamalas din ang angking kagandahan ng top tourist destination sa bansa.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay dumaan sa anim na buwang rehabilitasyon ang Boracay para ganap na malinis ang karagatan at pampang ng isla, at ayon sa personal na karanasan ni Cassy, tila epektibo ang ginawa ng gobyerno para maibalik ang dating sigla ng Bora.

Saad sa isa sa kanyang post, nanibago siya sa sobrang ipinagbago ng isla, na kung dati ay mayroon umanong mga pipe mula hotel na direktang nakakonekta sa beach, ay ngayon ay ipinagbawal na ng gobyerno.

Aniya pa, naging magandang sakripisyo ang anim na buwan para sa malinis ang dating itinuring na ‘Best Beach in Asia’ ayon sa Tripadvisor.

”When I walk along the beach, especially at night, I’m amazed by how the sand feels under my feet while looking at the glistening water. I think the 6 month closure has done so much good for the island,” ayon kay Cassy.

Marami rin aniyang mga bagong rule para sa mga turista, na para kay Cassy ay nararapat lang para manatili ang kinang ng ‘paraiso’ ng Bora.

“There are a lot of new rules now for establishments as well as tourists but it’s all reasonable. Anyway, I don’t want to go into too much detail. I just want you guys to know that BORACAY IS SO BEAUTIFUL,” aniya pa.

View this post on Instagram

Long caption that I’ll change eventually but I want to share my experience with you guys!! I’ve been here countless times before but it still gets me every time! When I walk along the beach, especially at night, I’m amazed by how the sand feels under my feet while looking at the glistening water. I think the 6 month closure has done so much good for the island. Also, I heard that apparently, there were major hotels that had pipes direct to White Beach which is illegal & unsafe! I had no idea. Bulabog beach (which is where the waste used to go) has been cleaned up significantly. The National government has done a great job in having EVERYONE comply with the rules. Also, I’m sure it was very difficult for the locals & businesses suffered during the closure but it will be beneficial in the long run. There are a lot of new rules now for establishments as well as tourists but it’s all reasonable. Anyway, I don’t want to go into too much detail. I just want you guys to know that BORACAY IS SO BEAUTIFUL 😍☺️

A post shared by Cassandra Naidas (@cassynaidas) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?