56

By

GF ni James Yap, nanganak ng baby girl

Sharing is caring!

May baby girl na ang magkasintahang sina James Yap at Michela Cazzola.

Inanunsiyo ni James ang panganganak ni Michela sa Instagram account ngayong Miyerkules kasama ang larawan habang nakahiga sa hospital bed ang kanyang GF at hawak ang bagong panganak na sanggol.

Pinangalanan ng dalawa ang baby na Francesca Michelle.

“Our baby Francesca Michelle is here. Thank you God for protecting them during the delivery,” sabi sa caption ng larawan ni James.

May panganay na anak na sina James at Michela na si Michael James o baby MJ na isinilang noong 2016. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?