85
Gesta durog kay Rodriguez via KO
By

Gesta durog kay Rodriguez via KO

Bigo si Filipino fighter Mercito Gesta (32-3-2 17 KOs) kontra Juan Rodriguez (30-7, 26 KOs) mula Mexico sa kanilang 10-round match Biyernes (Manila time) sa The Avalon, Hollywood, California.

Inihinto ni referee Zachary Young ang laban sa ika-9 round, 2:55 mark, sa sunod-sunod na suntok ni Rodriguez.

Parehas na aggressive ang dalawang boksingero sa palitan ng malalakas na suntok ngunit sa ika-5 round ng laban ay nagkahiwa na sa mata si Gesta.

Sa ika-7 round, nakahataw ng isang solid na uppercut si Gesta kay Rodriguez ngunit binawian siya ito kaya naman dumanak na ang dugo sa kanang mata ni Gesta.

Kahit pa may momentum na si Rodriguez sa pagpasok ng 8th round, patuloy pa ring lumaban si Gesta.

Pero ilang minuto pagkatapos ng opening bell ng 9th round ay ramdam na ni Gesta ang hagupit ng mga suntok ni Rodriguez kaya naman inihinto na ang laban.

Ito ang unang knockout loss ni Gesta sa kanyang career.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?