15

Apr 5, 2021 @ 19:55
By

Gesmundo nanumpa na bilang bagong SC chief justice

Nanumpa sa harap ni Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe sa Supreme Court (SC) session hall ang bagong talagang chief justice na si Alexander Gesmundo, Lunes ng hapon.

Si Gesmundo ang ikaapat na Chief Justice na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang siya sa limang mahistradong awtomatikong nanomina sa pagka-Chief Justice, na binakante ni Chief Justice Diosdado Peralta matapos magretiro noong Marso 27.

Nakapagtapos sa Ateneo De Manila University noong 1984, pumasa sa Bar ng sumunod na taon si Gesmundo.

Nagsimula siyang magtrabaho sa gobyerno noong 1985 at nakapasok sa Office of the Solicitor General (OSG), kung saan naparangalan siya bilang “Most Outstanding Solicitor”.

Mula sa OSG ay nalipat siya sa Presidential Commission on Good Government at taong 2015 nang maitalaga siyang Associate Justice ng Sandiganbayan.

Taong 2017 naman nang nagsimula ang panunungkulan niya sa Korte Suprema.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?