74

Aug 20, 2019 @ 22:15
By

Gervacio, BanKo Perlas aawatin ang Creamline

Mga laro Miyerkoles/Agosto 21:

(FilOil Flying V Centre/San Juan)

2:00pm — Choco Mucho vs PacificTown

4:00pm — BaliPure vs Air Force

6:00pm — BanKo Perlas vs Creamline

Muling pamumunuan ni hitter Dzi Gervacio ang BanKo Perlas Spikers upang makakuha ng panalo kontra reigning champions Creamline Cool Smashers sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference alas-6 Miyerkoles ng gabi sa FilOil Flying V Centre.

Winalis ng BanKo Perlas nitong Agosto 17 ang Philippine Air Force Lady Jet Spikers, 25-13, 25-18, 25-19 sa pamumuno ni Gervacio na may 19 points.

Kahit wala si main setter Jem Ferrer, na tinamaan ng dengue, nag-step-up naman si libero-turned-setter Gizelle Tan na nagtala ng 26 excellent sets para sa 2-1 win-loss record ng koponan.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang pananalasa ng Creamline nang pataubin ng mga ito ang Chef’s Classic, 25-12, 25-5, 25-15, nitong Linggo.

Bumida para sa Cool Smashers sina ace player Alyssa Valdez na kumayod ng 16 points, Jema Galanza na umiskor ng 11 puntos at Michele Gumabao na nagtala ng 10 markers.

Bago ang tapatan ng dalawang panig, maglalaban muna ang Choco Mucho kontra PacificTown Army alas-2 ng hapon, at Balipure versus Air Force alas-4 ng hapon. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?