24
Marinera hahambalos nina Permentilla, Viray
Sep 10, 2019 @ 17:54
By

Gervacio, BanKo iilitin ang PetroGazz

Mga laro Miyerkoles/Setyembre 11:

(FilOil Flying V Centre)

2:00pm – Motolite vs Choco Mucho

4:00pm – PacificTown Army vs Air Force

6:00pm – BanKo Perlas vs PetroGazz

Muling iinit ang FilOil Flying V Centre sa paghataw ng triple header ngayong Miyerkoles, Setyembre 11, sa pagpapatuloy ng eliminasyon sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference.

Highlight ng bakbakan ang paghaharap ng Banko Perlas kontra PetroGazz sa main game alas-6 ng gabi, pagkatapos ng salpukan ng Motolite laban sa Choco Mucho sa alas-2 ng hapon at Pacific Town Army kontra Air Force sa alas-4.

Ibabandera ni Angeline Marie Gervacio ang BanKo matapos tumikada ng 19 points sa huli nilang laban nitong Miyerkoles kontra BaliPure.

Sasalagin naman ito ni Jonah Sabete ng PetroGazz nang pangunahan ang koponan sa ika-4 na panalo sa pagrehistro ng 14 markers upang ibaon ang Motolite, 25-22, 25-16, 28-26, noong Linggo.

Sumalya rin sa Angels sina Jeanette Panaga at Cherry Nunag na may 13 at 10 points, ayon sa pagkakabanggit, upang pabagsakin ang Motolite sa 4-2 karta at iangat ang Gazz sa 5-2 win-loss record kapantay ang BanKo Perlas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?