728

Jan 10, 2022 @ 21:51
By

Gerphil Flores nanay na!

Nanay na si “Asia’s Got Talent” 2015 second runner-up Gerphil Flores.

Sinabi ni Flores sa Instagram na isang baby boy ang iniluwal niya.

Kasalukuyan nang nakatira sa Nevada ang singer kasama ang asawang si Brad Libanan.

“Starting the year 2022 with a new chapter in my life. My husband and I are thankful and blessed to have our little bundle of joy. Thank you Lord!” caption ni Flores sa larawan habang karga ang kanyang baby. Nilagyan niya ito ng hashtag na #BabyBoy.

Ikinasal sina Flores at Libanan sa Manila Cathedral noong 2019 matapos ang 11 taong relasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?