37

Jun 24, 2018 @ 19:44
By

Germany nagising kay Kroos

Nabuhay ang Germany dahil sa magic kick ni Toni Kroos.

Patalo na ang defending world champion Germany, mukhang matatapos na ang paghahari sa World Cup nang bulungan ni Kroos si Marco Reus sa labas lang ng penalty area ng Sweden.

Tabla ang iskor sa 5th minute ng stoppage time, pinaalala ni Kroos kay Reus ang isang set play na ginagawa sa training at puwedeng lumusot sa World Cup.
Sampung players na lang ang naiwan matapos bagsakan ng pangalawang yellow card si Jerome Boateng, nag-rally ang Germany para itakas ang 2-1 panalo kontra Sweden nitong Sabado nang bumalandra sa likod ng net ang strike ni Kroos.
“The fact Toni Kroos put it away is just incredible,” ani Reus. “He’s shown that talent on previous occasions but really in this case it was practically the very last opportunity to win this match.”
Pumorma si Kroos sa free kick na parang padidiretsuhin niya ang bola sa goal, pero pinitik lang kay Reus. Gamit ang paa, pinigil ni Reus ang bola habang nakatiigil din ang defenders, naghihintay. Umigkas ang kanang paa ni Kroos, pinektusan ang bola palayo kay Sebastian Larsson at umalpas kay goalkeeper Robin Olsen.
Nganga ang Swedes, sinundan ng tanaw ang bola papasok sa goal.
Sabay-sabay dinamba ng Germans si Kroos.
Natalo sa Mexico sa unang match, naiwan muli ang Germany nang mag-error si Kroos na nagresulta sa goal ni Ola Toivonen sa 32nd. Itinabla ni Reus ang iskor sa 48th. Buhay pa sila sa knockout stage kahit makahirit ng tabla, pero mas maganda ang panalo.
Una ang Mexico sa Group F sa 6 points, may tig-3 ang Germany at Sweden. Haharapin ng Mexico ang Sweden, lalabanan ng Germany ang winless South Korea sa final group matches. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?