139

Dec 19, 2017 @ 15:10
By

Gerald Sibayan huling lalake sa buhay ni Ai Ai

“Kahit ano ang mangyari, last na ‘yan,” ang sagot ni Vic Sotto nang itanong sa kanya ang payo niya kay Ai Ai delas Alas nang magdesisyon ito na magpakasal kay Gerald Sibayan noong December 12, 2017.

“Mas maraming pinagdaanan sa akin ‘yon! Palagay ko, alam na niya. Isa lang ang sinabi ko sa kanya, sabi ko, ‘Ai, kahit anong mangyari, last na ‘yan ha?’

“Sabi naman niya, okey and personally, I think, last na talaga niya ‘yan dahil kilala ko ‘yung guy, mabait at saka mahal niya si Ai,” ang sabi ni Vic na candle sponsor, kasama ang kanyang misis na si Pauleen Luna, sa church wedding nina Ai Ai at Gerald.

Si Vic Sotto ang lead actor ng Meant To Beh, ang official entry ng Octoarts Films sa 43rd Metro Manila Film Festival. Isang family movie ang Meant To Beh na may mga nakakatawa na sitwasyon na nangyayari sa tunay na buhay.

Malaki ang kontribusyon ni Vic sa kuwento ng pelikula dahil nagbigay siya ng mga suggestion, bago nag-umpisa ang filming ng Meant To Beh.

“Marami akong contribution. ’Yun ang maganda kay Direk Chris (Martinez). Open siya sa mga suggestion. Even before pa, bago pa lang kami nag-start ng production, pre-production pa lang, marami na kaming mga input,” ang sabi ni Vic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?