115

Sep 22, 2020 @ 19:24
By

Gerald sa buntis isyu kay Julia: ‘Congratulations to me’

Tila dinaan na lang sa biro ni Gerald Anderson ang kumalat na ulat na nabuntis niya si Julia Barretto.

Sa kanyang Instagram Stories, Sept 21, binati ng aktor ang kanyang sarili.

“Congratulations to me,” maiksing mensahe ni Gerald na nilagyan niya ng fist bump, smiley face at praying emojis.

View this post on Instagram

FAKE NEWS 🙂

A post shared by Julia (@juliabarretto) on

Nag-ugat ang alegasyong buntis ang aktres matapos sabihin sa social media ng beteranong broadcaster na si Jay Sonza na napatunayan daw nina Julia at Gerald na hindi sila baog at may nabuo sa sinapupunan ng una.

“After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) – may nabuo sa sinapupunan ni Julia,” sabi ni Sonza sa burado nang Facebook post.

Matapos noon ay binandera ni Julia ang kanyang abs at nilagyan ito ng caption na “FAKE NEWS :).”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?