67
ABANTE wurtzbach anderson movie
Jan 22, 2018 @ 19:56
By

Gerald-Pia movie ‘swan song’ ni Direk Cathy

Bago mag-retire sa susunod na taon si Direk Cathy Garcia-Molina ay tatapusin pala muna niya ang dalawang pelikula na ayon sa kanya, akala niya ay isa na lang ang titirahin niya, pero nadagdagan pa ito ng isa.

Pagkalipas nga ng apat na taon, ay muli niyang ididirek ang loveteam na KathNiel kung saan ay huli niyang hinawakan ang dalawa sa pelikulang She’s Dating A Gangster pa.

Siguro naman ay hindi makakaapekto sa box-office nito ang tsismax kay Daniel at sa aspiring model na si Chariss Jedidah Gusay na na-bash nang husto ng kanilang fans.

Masaya na sana si Direk na ito ang magiging retirement movie niya dahil solidong KathNiel fan din siya, ‘yun nga lang, hindi raw niya maintindihan ang pelikula na gagawin nina Pia Wurtzbach at Gerald Anderson. Okey lang din sa kanya na ito bale ang magsisilbing ‘swan song’ niya bilang direktor dahil bagong putahe, bagong challenge and who knows, ito rin ang pinakamalaking box-office hit niya, huh!

Baby naman niya pareho sina Kath at DJ kaya alam niyang magiging fun din ang huling work nila together and she’s even sure kung magiging emosyonal siya during shooting days.

After the Pia-Gerald movie naman, hindi na raw talaga siya magpapapigil pa sa Star Cinema dahil ‘yun ang pangako niya sa kanyang pamilya, but who knows, kapag na-bore siya ay balik-showbiz pa rin siya, noh!

Korek! (Glenn Regondola)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?